Miyerkules, Mayo 16, 2012

Mula sa mga Pinagsama


Pinagsama-sama ko ang mga tuldok
nakabuo ako ng isang titik.

Pinagsama-sama ko ang mga patak ng luha
nakabuo ako ng isang butil ng asin.

Pinagsama-sama ko ang handog mong sakit
nakabuo ako ng matatag na dibdib.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento