Sabado, Mayo 19, 2012

Bilog


Nagsalin uli si Nanding ng Gin sa baso, saka agad ininom. Ramdam na ramdam ng palad niya ang pagiging bilog ng baso at ng bote.

Nangangayayat na siya, mugto ang mga mata, malago ang bigote, gulo-gulo ang buhok.

Dalawa lang ang anak niya sa asawa niya, at parehas pang ang saklap ng sinapit.  Si Carla, panganay, buntis, manganganak sa Mayo. Pinanagutan ng asawa. Pero ang walanghiyang lalaki, tambay lang, di nakatapos ng hasykul. Si Carina naman, bunso, buntis na rin. Fourth year sa engineering ang nakayari, at ang sabi ng walanghiya, ipalaglag ang bata. Sumugod pa sa bahay nila, nagwawala, nang sabihin ni Carinang hindi niya ipalalaglag.

Naalaala niya ang lahat ng naging kabit niya, at ang labing-walo niyang anak. Napatitig siya sa Gin, napakuyom ang kamao. Nabasag niya sa kamay niya ang baso. Humuhulas sa mesa ang dugo. Walanghiya!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento