Huwebes, Mayo 3, 2012

Grad. Pic.


Pumasok si Nhel sa computer shop. Nasa labas na naman si Jeff, ‘yung nagtitinda ng inihaw na mais. Elementarya lang daw ang natapos nito. At sa itsura nito, palagay niya, mas matanda ito sa kanya ng limang taon.

Nagpa-open time siya. Naglipana na naman sa newsfeed ang larawan ng mga bagong graduate. Nakaramdam na naman siya ng ingggit. Kung may digicam. lang sana sila noon, may picture din sila noong gumradweyt siya.

“Kuya o,” nag-abot ng mais sa nasa server si Jeff.

Natuon sa nangingitim nitong mukha ang mga mata niya. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento