Pilosopiya sa Papel
“There is fiction in the space between you and me.”— Tracy Chapman, ‘Telling Stories’
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na
bugtong
.
Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na
bugtong
.
Ipakita ang lahat ng mga post
Huwebes, Marso 27, 2014
Bula
Batang mayroong bahaghari,
naglalahong parang sandali.
Bentilador
Umiikot ang kalamnan,
umiiling ang katawan.
Miyerkules, Nobyembre 13, 2013
Pamaypay
Pag tumakbo si Kasama,
bumibilis ang paghinga.
Martes, Nobyembre 12, 2013
Payong
Dumipa si Marilag,
mga baso’y nabasag.
Tuwalya
Dahil nangyakap ka,
isasabit kita.
Bumbilya
Dumilat si Ermat,
nagliwanag lahat.
Lapis
Ulo rin ni Pina
laging nagbubura
ng bakas ng paa.
Miyerkules, Oktubre 23, 2013
Gripo
Piningot si Ligaya,
bigla na lang nasuka.
Mga Lumang mga Post
Home
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)