Sabado, Marso 16, 2013

Tayo'y mga Gulong


Tayo’y mga gulong
sa lupa nakatayo
dinarama ang mga alikabok.

Tayo’y mga gulong
at kailangan nating umikot
umikot nang umikot
mabilis man o makupad
nang matitigan ang bawat larawan:
ang gulong na sinusundan
ang mukha ng kasunod na mga sasakyan
ang maalikabok na mga ehe
ang mga tanawing dinaraanan
ang kalsadang sinasagasaan.

Tayo nga’y mga gulong
na dapat umikot nang umikot
maranasan ang bawat gilid, baba’t taas ng bilog
o kung hindi, tayong mga gulong
ganap na hindi susulong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento