Biyernes, Marso 8, 2013

New Year's Resolution


Nagawa na rin ni Janus ang pinipilit niyang gawin kada a-uno—ang kalimutan na si Jana. Hindi na niya ito naiisip nang sobra mula noong January 1, hanggang noong January 3. At alam na alam niyang ‘yon ang nararapat. Dahil noong September 4 pa ito nakipag-break sa kanya, at buti kung naiisip man lang siya nito.

Pero kagabi, natukso siyang tingnan ang Facebook account nito—gamit ang account ng ate niya. At parang hinagisan ng permilante ang puso niya—nang makita niya ang mga picture nito—may kayakap na lalaki.

Pinakaisip niya ‘yon bago siya matulog, at pagkagising niya.

Pagkahilamos niya, naisip niya, kaya siguro ganoon ang salita—resolution.  Kaya siguro may prefix na re.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento