Biyernes, Marso 8, 2013

Single Journey


Hindi ako naniniwala sa sinasabi
sa ticket ng LRT
single journey;
kasabay ng bawat pagkaldag
ang laksa-laksang alaala;
habang tinatangay ang mga tanawin
nililipad ang aking damdamin.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi
sa ticket ng LRT
single journey;
‘pagkat sa bawat biyhae
may isang daang treng
naglalakbay
sa isang libong riles.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento