Sabado, Marso 9, 2013

Pasahero


Katulad kami
ng treng araw-araw naming sinasakyan
hihinto sa susunod na istasyon
bubukas, sasara
may magpapaalaalang tinig
babagal, bibilis.

Katulad kami ng tren
sa araw-araw namin sa pabrika
kaya’t ‘wag magtataka,
kung sa mga biyahe
lagi kaming nakikitang
blangko ang mga mata.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento