Biyernes, Marso 8, 2013

Paglalakbay


Pag maluwag ang tren
payapa ang paglalakbay
hindi ka maitutulak, ni matatapakan.

Ngunit di ba’t kung masikip
nadudunggol, nangangawit
nagiging riles ng mga pawis
ang noo’t mga kili-kili
mas masarap damhin
ang hangin
pagbaba
mas matamis
ang pagsapit
sa istasyong itinakda?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento