Lunes, Marso 11, 2013

Riles


Hindi nga kabilang ang kahapon
sa pinakamakukulay kong araw
‘pagkat nasaktan ako
umiyak, nalungkot.
Ngunit kailangan pa ring magalak
‘pagkat karugtong ng kahapon ang ngayon
karugtong ng ngayon ang bukas.
Mga riles ng tren ang bawat araw
walang maaring alisin
o hindi sasapitin
ang nais na marating.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento