Martes, Setyembre 20, 2011

Mapasaatin Man, mga Isla ng Spratly





Bubuti nga siguro, higit sa maski paano
presyo ng petrolyo
bababa pamasahe
gulay, bigas, karne, kuryente
pag napasaatin
mga isla ng Spratly.

Malamang, mapangingiti
mga mata, mga labi
ni Manong Tsuper
pati na ni Kumander.
Baka sumigla rin
sigaw, hiyaw
ng mga barker
at makapaglamyerda pa
mga estudyante.

Tiyak, maraming mangayayari
pag napasaatin
mga isla ng Spratly.

Pero isa pang bagay, higit kong natitiyak
mapasaatin man
mga isla ng Spratly
o buong Iraq, Saudi at buong Gitnang Silangan
wala ring mag-iiba
sa lugmok nang ekonomiya't kinakalawang na sistema
hanggang naririyan
Amerika't mga buwaya.


1 komento:

  1. siyang tunay !!mapasaatin man ang buong mundo kailanman hindi aasenso kung katulad nila ang mga nakaupo ..

    TumugonBurahin