Huwebes, Setyembre 8, 2011

Manong


Isa ka sa mga dahilan
kung ba't tuwina
gabi, tanghali, umaga
mabigat
daloy ng mga sasakyan sa kalsada
ng NLEX, SLEX, Mc Arthur at EDSA
ng Recto, C5, Mendiola't Legarda.

Isa ka sa mga dahilan
kung ba't hindi magkamayaw
at naging karnabal
mga kalsada't lansangan.

Minsan
isa ka rin sa mga dahilan
ng mga aksidente't banggaan.

Ngunit lagi mong tatandaan,
'wag mo 'tong isusulat sa gasolina
ni iuukit sa bakal
dahil baka burahin lang ng mga kalawang
kung magtataas man ng presyo
petrolyo
ikaw ang unang
napiperhuwisyo.

Kung napapatungan mo man
pamasahe
ng mga senior citizen, mga estudyante
o kung kulang man
isinusukli mo
sa mga mama at ale
lagi mong tatandaan
'wag mo 'tong isusulat sa krudo
ni iuukit sa mga bakal
dahil baka burahin lang ng kalawang,
mas malaking ninanakaw
ng mga nasa Batasan,
Kamara't Malakanyang
gayong di naman
sila nakokotongan
o pumapasada araw-araw.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento