Martes, Mayo 20, 2014

(Pa)Liwanag


Madilim sa silid
nang pumasok ang guro.
Saglit siyang tumigil, nagmasid
isa-isang pinitas sa kanyang isip
ang mga diwa,
binunot sa dibdib, ang mga alab.
Pinagsama ang dalawa
parang pagtitimpla ng pormula
isinakay sa wika
pinakapili ang mga salita.
Sa pagsasama-sama ng mga nabanggit,
ang alab, rumikit.

Marahan, nagpaikot-ikot ang mga ito sa silid
unti-unti, pinaslang ng liwanag ang dilim.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento