Sabado, Mayo 17, 2014

Kudlit (2)


May mga bagay
na napapalitan ng ibang bagay,
may dalawa na nagiging isa,
may mga nawawala
at hindi alam kung saan napunta.
May matatakot.
May mag-aalala.
May malulungkot.

Ngunit may ilang matiyaga
at may tiwala,
matutuklasang sa sariling kakayahan
maghihiwalay ang mga naging isa,
magbabalik ang mga inakalang
hindi na makikita.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento