Martes, Mayo 20, 2014

Ganito Ko Sinisimulan ang Bawat Umaga


Kada umaga, pagkagising
bago ang pagsisimula
nagbabasa ako ng tula.
Isa, dalawa.
Habang ninanamnam ang init,
tamis, pait
dilim ng kape.
Ninanamnam ko ang mga talinghaga
ang payapang daloy ng mga kataga
ang mga taludtod, mga tugma
ang himig ng hiwaga.

Hindi basta mauunawaan ng ilan
ang dahilan,
kung papaanong isa itong tiyak na paraan
sa pagpapatatag ng kalooban
bago harapin
ang nag-iinat na lansangan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento