Lunes, Mayo 26, 2014

Gusto Kong Maging Katulad ng Punong Bayabas


Gusto kong maging katulad ng punong bayabas
payak ang mapuputing bulaklak
ngunit nakangiting nakatingala sa kalawakan
parang naghihintay ng haplos ng liwanag
at patak ng ulan,
ipinamamalas sa lahat ang kariktan
sa masayahing mga kulisap
sa manlalayag na mga ulap.
At sa sandaling ang mga buko ay maging bunga
ang mga bulakalak
nagiging korona
at buong pagpapakumbaba
itinuturo sa lupa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento