Sabado, Mayo 3, 2014

Ang Lungsod


Lagi siyang binabangga’t
sinasagaan
ng nagmamadaling mga busina,
niyayapos
ng kinakalawang na kadenang usok,
peklat sa kanyang balat
ang magkakayakap na barung-barong,
nagnananak na sugat
ang masisiglang katibayan ng karalitaan.

Ngunit, hindi niya ito
ikinaiinis.
Nakangisi niyang dinarama
ang lahat
habang pumapalakpak na pinagmamasdan
ang pagtigas ng puso
ng nagmamalaking mga taga-kabihasnan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento