Linggo, Disyembre 2, 2012

Pagsasanay


Sa yugtong ito ng pag-aaral
mas madalas ka na, sa pook na pinagsasanayan
kaysa sa paaralan, sa dating tahanan
isasapraktika ang mga inaral na teorya.
At sa araw-araw mo roon
sa pook na pinagsasanayan
makikilala mo ito bilang bagong tahanan
at sa paminsan-minsang pagpunta sa paaralan
unti-unti, mararamdaman mo
ang pagiging estranghero nito sa iyo.

At ganito nga ang mangyayari sa iyo
at ganito nga ang nangyari sa kanila
dahan-dahang pamamaalam
paghahanda sa ganap na paghihiwalay.

1 komento:

  1. sakto ito sir. kaso pag sa i,t hindi lahat ng nag oojt naisasapraktika ang mga inaral na teorya. :D

    TumugonBurahin