Huwebes, Disyembre 20, 2012

Kung Bago Mag-Undas, Pasko, Bagong Taon, Mahal na Araw


Madalas kong maisip ang Undas
o Pasko, o Bagong Taon, o Mahal na Araw
depende kung alin ang pinakanalalapit
nakikinita ang mga eksena
makikita raw kita
at tayo’y magkakahiyaan
hanggang sa gumawa ng paraan ang hangin
at magkakausap tayo, saglit
tatagal, magiging ‘singtamis ng dati
at muli akong magiging iyo, muli kang magiging akin.

Ganito ang pangarap ko, taun-taon
kung bago mag-Undas, mag-Mahal na Araw
mag-Bagong Taon, mag-Pasko
kahit na alam kong
sa mismong gabi ng mga iyon
hindi mo naiisip ito, ni ako.

1 komento:

  1. sobrang cheesy nito. supercliche din yung "at muli akong magiging iyo, muli kang magiging akin."

    ako lang ito.
    sulat lang, mr. prolific. hehe

    TumugonBurahin