Lunes, Abril 2, 2012

Sa Unang Sakay Ko sa Eroplano



Nanonood sa amin ang mga bituin
naninidak ang hangin
nang una akong masakay ng eroplano.

Naging kasingtaas ko ang buwan
narinig ko ang awitan ng mga ulap
naging bahagi ako ng alapaap
parang agila, uwak, kalapati
na tinitingala ko lang dati,
naging mas mataas ako sa alinmang gusali
at naisip ko, mahusay ang tao,
nalayo ang talampakan ko sa alikabok
nahigitan ko ang namumuong ulan
ngunit gumuhit man ako sa dibdib ng langit
nakatabi ko man ang Tatlong Marya’t Polaris,
di ko pa rin nahanap ang saya at pag-ibig.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento