Lunes, Abril 2, 2012

Patuloy Akong Susundan ng Buwan


Catherine, halika,
lumabas ka mula sa dilim,
at may ikukuwento ako sa iyo.

Noong isang gabi,
samantalang nasa dibdib ako ng van,
kagat-kagat ng dilim,
sinusundan ako ng malungkot na ngiti ng buwan,
minsan, nakadikit sa manibela,
minsan, nasa compartment,
minsan, nasa mata ng kaliwa kong tenga.
Ngunit ano't ano man,
lagi siya sa tabi ko,
at alam ko, susundan niya ako,
susundan nang susundan
hanggang sumayad aking talampakan
sa dalampasigang destinasyon.

Catherine, gusto kong sabihin
pag-ibig ko sa iyo
ang buwan na iyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento