Lunes, Abril 23, 2012

Sa Nayon, Sa Lungsod


Sa nayon, sa pagitan ng ga-tengang mga bato
sa lupang sinasagasaan ng traktora't
tinatapakan ng mga kalabaw
dinuduraan ng nagto-tong-its
iniihian ng mga manginginom
ginugulungan ng mga musmos
kusang tumubo ang mga luntiang palay.
Sa lungsod, kung minsan
sobra na'ng pagsisikap
paghaplos, panliligaw
ayaw pa ring mangarap ng mga halaman.

Noon pala, kahit saang lugar
basta napakalakas ng likas na pag-ibig
sisibol at sisibol ang anumang katibayan ng pagmamahal
sa pinakamailap mang paraan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento