Lunes, Abril 30, 2012

Inilalayo Nila Ako sa Paglayo



inilalayo ako sa paglayo
sa iyo, sa iyong anino
sa kawalang kapayapaan
ng di mabilang na mga kasangkapan
mga bagay na minsang naka-kutis ng suot mong damit
o sapatos o hawak na plantsadong panyo
dilaw na langit, itim na hangin
berdeng dahon, asul na dingding
puting pusang kalye
mga awiting saglit din tayong hinarana
habang naglalakad sa tabing-kalsada
o kumakain kaya at nangangarap
o nasa dyip at nagtatayo ng tahanan
mga kahawig na mukhang natandaan
sa pamamaybay sa ilang lansangan

inilalayo nila akong lahat sa paglayo
at hindi ko sila kayang takasan


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento