Huwebes, Hulyo 11, 2013

Ubas*


piniga mo ang bote ng mineral water
na butas-butas ang takip

sinalo ng namimilog na mga ubas
ang masisiglang guhit ng tubig
nabasa ang kariton
at ang nanggigitata nang sahig

umaliwalas ang itsura
ng pulang mga prutas
masisigla’t
parang nakangiti

habang sa iyong noo
gumuguhit ang pawis


*para kay Kuyang nagtitinda ng ubas sa kanto ng Doroteo Jose

3 komento: