Lunes, Hulyo 15, 2013

Samantala


Nagpapalitan sila ng kuwento
saka sabay na hahalakhak
habang kapwa ninanamnam
ang lutong at bango ng Chicken Joy
asim at tamis ng spaghetti
at malamig na hininga ng aircon
saka mapapadighay
sa sarap ng espiritu ng Coke.

Sa kanilang tabi—
inilayo ng bintanang salamin—
titig na titig sa kanila
ang nanlilimahid na paslit
kagat-kagat
ang maiitim na daliri.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento