Linggo, Hulyo 14, 2013

ATM


isinubo mo sa makina
ang bughaw na parisukat
pinindot ang pin code
at ang numero ng halaga
10000

pagkahawak mo
sa sampung asul na papel
na iniluwa ng makina
at may mukha ng tubbataha
naramdaman mo

may halaga ka sa mundo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento