Martes, Marso 22, 2011

Mag-aral Ka, Anak


Anak, Anak ko,
ipangako mo sa akin
pag nag-aral ka
hindi mo sila gagayahin.

Ayokong matulad ka,
Anak, sa kanila
na palasak at hungkag
ang pangarap.

Anak, mag-aral ka
hindi para sa diploma,
hindi dahil sa Ti O Ar,
dahil sa Recto
p'wede mong ipagawa
mga papel na iyan
ng UP, PUP, Ateneo, La Salle.

Mag-aral ka, Anak,
'wag na upang igalang
ng mapanghusgang lipunan,
dahil minsan,
mas karespe-respeto pa
mga puta
kaysa sa mga may pinag-aralan.

Mag-aral ka, Anak,
para sa iyong mga pangarap,
mag-aral ka,
para sa karanasan,
mag-aral ka,
para sa karunungan.
Dahil ang mga iyan, Anak,
ay hindi mga papel
na naipagagawa sa Recto.


4 (na) komento:

  1. maganda,

    pero may mas linyadong tapos para dito.

    mark, vendo machine ka na a.!

    TumugonBurahin
  2. * vendo machine? haha, salamat. oo nga e, medyo nahihirapan ako sa ending...

    TumugonBurahin
  3. try mo tong pagkakasunod nito: ng UP, PUP, Ateneo at La Salle.

    wag galit agad hehe! alam ko namang wala akong karapatan pero try mo lang mark!

    TumugonBurahin
  4. * itinutugma ko kasi 'yong Ateneo sa Recto...pero mas maganda nga iyong sinabi mo, salamat.

    TumugonBurahin