Miyerkules, Marso 23, 2011

Balita


Ayoko na pong
manuod ng balita.
Ayoko nang makinig
ng radyo.
Ayoko nang magbuklat
ng d'yaryo.
Ayoko nang magbukas
ng tv.

Sawang-sawa na kasi 'ko
sa mga nangyayari,
sa korapsyong sasambulat
uukilkilin, lilitisin
tatangayin ng hangin
sa mga pulis na kriminal
sa pagtaas
ng presyo
ng kuryente, bigas,
pamasahe't petrolyo.

Sukang-suka na 'ko
sa damuhong k'wento
ng maaarteng artista
sa tsismisang walang k'wenta.

Sabihin n'yo na lang po
sa akin
pag natuldukan na
kinakalawang na sistema
pag masa na nasa tuktok
ng tatsulok
tiyak, nagkukumahog
manunuod ako ng balita.


2 komento:

  1. maganda maliban sa ending. mukhang out of place yung pagtatapos o yung pagkaka tapos mo. bitin ata pagkatapos nung "sa tsismisang walang kwenta."

    tingin ko lang! peace mark!

    TumugonBurahin