Miyerkules, Abril 17, 2013

Kudlit


May mga bagay na minsan
akala nati’y nawawala
pag-asa, halimbawa
lungkot, ligaya, tiwala
pangamba, inggit, hiwaga
akala nati’y nawawala
kaya nginangatngat tayo ng talinghaga.
Kailan sila naglaho?
Paano sila nawala?

Kaya nagugulat tayo
kung sila’y matagpuan
sa bago nilang katawan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento