Huwebes, Abril 11, 2013

Bunga ng Paglimot


“Palagay mo, kailan namamatay ang tao? Pag ba binaril sila sa puso? Hindi. Pag tinamaan sila ng walang lunas na sakit? Hindi. Pag nakainom sila ng sabaw na mula sa nakalalasong kabute!? Hindi! ‘Yon ay pag sila’y... kinalimutan.”
—Dr. Hiluluk, ‘One Piece’

May mga “ako”
na matatagpuan
sa mga bahagi ng puso
ng ating mga kaibigan
at kung tayo’y kanilang makalimutan
mawawala roon
ang mga “akong” iyon,
tumingala, kung gayon
baka sa kawalan na iyon
matatagpuan
o kung hindi’y yumuko
baka naririyan
bahagi na ng lupang tinutungtungan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento