Martes, Mayo 8, 2012

Rush Hour


Tumingin na naman si Camille sa tigsi-singkuwenta pesos niyang relo— 7:38 am na. Ilang minuto na lang, huli na siya. Memo na naman sa immediate supervisor niya.

Natutukso na naman siyang sabihan ang katabing tsuper na bilisan, at huwag nang masyadong magtawag ng pasahero. Bilisan lang talaga ni Manong, sasakto siya sa oras.

Nakita niyang kumaway ang opisyal ng MMDA.

Napakamot siya ng kilay. Huminto si Manong, halatang bugnot din.

Tumingin uli siya sa relo niya— 7:40 am na.

“E ang tagal mo ro’ng magsakay e, nakikita kita e. Cause of traffic ka na e.

Mayamaya, bumalik si Manong sa dyip, kumuha ng dalawang Manuel Roxas, saka binalikan ang opisyal.

“Tarantadong ‘yon,” sabi nito pagkasakay sa dyip, saka pinaharurot ang sasakyan, na sa bilis, sa tantiya niya, hindi na siya mahuhuli.

Pero ewan ba niya, parang tinatamad na siyang pumasok. Parang tinatamad na siyang magtrabaho.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento