pinaghiwalay
nito ang mga numero
10
at 33
nanlilisik
na pulang liwanag
parang
mata
ng
nakatagilid na halimaw
parang
titig ni kamatayan
tumitibok
ito
parang
puso
parang
pulso
pumipintig
paulit-ulit
walang
hinto
Parang
hindi hihinto
tumitibok
na ito ngayon
sa
pagitan
ng
10 at 34
parang
galit na galit
nagsusumigaw
isinisigaw
ang katotohanan
nanlilisik
na katotohanan
tumatakbo
ang segundo
minuto
oras
magbabago
ang lahat
tatanda
ang tao
mamamatay
Tatanda
Mamamatay
at
narito ako
sa
istasyon ng tren
Kangina
pa naghihintay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento