Sabado, Oktubre 19, 2013

Mula sa Itaas


Nakayuko na naman silang naglalakad,
balisa, malungkot,
makupad,
tulad nang dati,
tulad nang bawat gabi.
Nasa galising bangketa
ang kanilang mga mata,
iniisip ang mga bayarin, pangarap na pahinga,
mga kailangang tapusin.
May nasa harap ang bag, yaka-yakap.
May napapapikit at naghihikab,
nakahawak sa maingay na tiyan.

Kabilugan ko ngayon,
dilaw na dilaw na liwanag
na minsan lang masilayan.
Ngunit wala ni isang tumingala
para saglit man lang na titigan
itong kariktan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento