identification
multiple choice
enumeration
analogy
classification
pinoproblema
mo itong lahat
paulit-ulit
na kinikilala ang isinasaad
ng
bawat pangungusap
ngunit
hindi
mauna-unawaan
walang
maisulat sa patlang
malakas
ang tunog
ng
paghinga ng aircon
ng
buntong-hininga ng nagkakamot
na
katabi
mga
pag-ubo
pagbahing
ng
pagpapalit
ng
pahina ng papel
ng
bolpeng nalalaglag
gumugulong
sa sahig
identification
multiple choice
enumeration
analogy
classification
pagkapasa
mo ng papel
binalikan
ka
ng
iniwan mong
problema
sa pamilya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento