Ganito
lang naman iyon kapayak.
Lilikha
ka ng masisiglang pahayag
na
magtatanghal sa mahal mong mga gamit,
mga
lugar na narating,
mga
pagkaing natikman,
tanyag
na mga taong nakaumpukan.
Magtatanghal
sa
di pangkaraniwang mga karanasan.
Ganito
nga lang iyon kapayak.
Pasasayawin
mo sa hangin ang mga salita,
kukumpasan,
paiindakin,
pakekembutin,
nang
malaman nila kung ano ka na,
kung
nasaan ka na.
Kung
sino ka na nga ba.
At
pag-alis mo, mag-uusap pa rin sila.
Pag-uusapan
ka nila, habang sinusundan
ng
nasusuklam nilang mga mata
at
naglutang sa hangin
ang
mga kataga ng pagkarimarim.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento