panay
ang palatak niya
at
tingin sa relo
sariwang
bulutong ang mga pawis sa noo
makapal
na maruming agiw
ang
buhul-buhol na mga usok
parang
sa libing
ang
usad ng mga sasakyan
nakukulili
sa mga businang nagbabanggaan
kinawayan
siya
ng
naghilerang dilaw na mga tala
sumasayaw
sa island ng kalsada
may
malamig na talulot
na
dumampi sa dibdib niya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento