Nahihirapan
na si Agnes na pigilin ang tawa niya, habang binabasa ang text sa Nokia 101 ng
katabi sa waiting shed—hindi nga pwede.my
tao sa bhay
Tinakpan niya ng panyo ang bibig niya. Ano kaya ang
iri-reply ng lalaki?
May humintong bus.
Nalaglag ang panyo niya nang hablutin ng nakatayong
lalaki ang gold niyang kuwintas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento