Maluwag
sa tahanan nila
ito
ang nadama niya
wala
na ang halakhak
ng
mga nagpupusoy
at
huntahan
ng
nagbalik na mga kamag-anak
wala
na ang kabaong
mga
silya’t
mababahong
bulaklak.
Maluwag
sa tahanan nila
wala
nang nagkalat
na
bangkay ng butong pakwan
lumisan
na
ang
maya’t mayang pisil sa kamay
tapik
sa balikat
mahihigpit
na yakap.
Umupo
siya sa kanilang kama
mahigpit
na nayakap
ang
kamiseta ng asawa
nang
muling marinig
ang
bulong
ng
pag-iisa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento