Naalaala
kita, kangina
nang
nasa Doroteo Jose ako
at
nag-unahan ang mga tao.
May
tren na dumaan
walang
kalaman-laman.
Naisip
ko ang mga kuwentuhan natin
sa
bench sa UN
habang
naghihintay ng skip train,
ang
malalakas nating halakhak,
di
natatapakan
ng
nagmamadaling mga paa
o
nasasagasaan
ng
matatalim na busina.
Naalaala
kita, kangina.
Habang
naghihintay ka kaya
ng
skip train
pa-Monumento
maski
minsan, naalaala mo ako?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento