“Isa… dalawa… tatlo…” parang sa tatay na binibilangan ang
anak ang boses ni Robo, habang itinuturo ng hinlalato ang nagdaratingang dyip
na pa-Novaliches. Nasa tapat sila ng Puregold Paso de Blas.
Tig-iisa na agad silang tatlo. Siya ang pinakamatanda,
disi-nuwebe. Disi-otso si Makoy, at katorse si Bubot.
Lumulusog na naman ang mga patak ng ulan, kumikintab ang
kalsada at bumabagal ang usad ng mga sasakyan galing Malinta.
“Apat… lima…” parang batang kinikilig si Robo nang ilantad
ng lumikong trak ang dalawa pang dyip. Mabuti’t wala pa ang matatandang barker.
Anim, nakasimangot si Bubot. Binibilang ang mga pagkulo ng
kanyang tiyan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento