Hindi
mo sila kamag-anak
subalit
saksi ka
sa
dekada nilang pagsasama
kung
gaano ang hirap sa pagsundo
ni
lalaki
kay
babae
kung
nagngangalit ang mga ulap
kung
paano inaalagaan
ni
babae
si
lalaki
kung
binibisita ng trangkaso.
Kilala
mo ang musika
ng
pagtawag nila sa isa’t isa
at
ang sigla
ng
kanilang mga halakhak
kung
sila ang nag-uusap.
Ngayong
dahan-dahang
inihuhulog
sa lupa
ang
katawan ni lalaki
nakatitig
ka
kay
babae
nagsisisigaw
siya
naninigas
ang mga kamay
nagwawala.
At
nadama mo
malakas
na binabayo
ng
nagsa-batong mga kamao
ang
dibdib mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento