Wala
akong maalaala
na
nagkasalubong kita
at
binati mo ako
ng
manipis na ngiti
at
tumugon ako
ng
taas ng kilay
o
tinipid na tango.
Ngayon,
habang humihigop ako
ng
tsokolateng umaaso
at
nagngangalit
ang
ulan at hangin
inaawitan
ako ng hiyaw mo.
Umaambon na,
‘yong sinampay mo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento