Kilala
nila ang isa’t isa:
mag-a-abrod
na raw ang bunso ni Inso
buntis
na pala’ng dalaga ni Ganyan
me
sakit pala’ng okra ni S’yaho
gradweyting
na pala’ng binata ni K’wan.
Alam
nila ang tungkol sa isa’t isa:
panganganak
binyag
kasal
kamatayan.
At
kung may isang
mamaalam
mababasa
sa tahimik nilang mga titig
tapik
sa balikat
mahihigpit
na yakap
ang
pahayag.
Bahagi
sila
ng
pamilyang naiwan
kasama
sa
pagharap sa mga umaga
na
wala
ang
lumisang minamahal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento