Nagbibihis
ang aking tinig
kung
magkausap tayo sa telepono,
nagdaramit
nang kaakit-akit,
nagpapabango,
higit
sa marikit na ngang gayak
pag
nasa dyip at nag-aabot ng bayad.
Nagbibihis
ang aking tinig
kung
katabi ka’t kausap,
parang
ganito,
umaasa
pa ring maski papaano,
magkakaroon
ng kakaibang ningning
ang
iyong mga titig,
pag
ako ang kahuntahan
o
pag narinig ang aking pangalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento