“Gaga! ‘Wag ka kasing papatol sa straight!” tumatalsik pa ang laway ni Justin. “Lokohan lang pag gano’n!”
Nakuyom ni JC ang signpen niya sa sobrang guilt.
“So, pag parehas bi, ser’yosohan?” nahinto sa pagsasalansan
ng mga papel sa locker si Agatha. “Walang lokohan?”
Tatlo na lang sila sa faculty room, hinihintay mag-9:00 PM
sa biometrics.
“Naman! Kapwa ko mahal ko ang peg!”
Sabay-sabay silang umuuwi pag Miyerkules. Sa Cubao sila
naghiwa-hiwalay. Pa-Shaw si Agatha. Si Justin naman, nakikipagtagpo pa sa
Farmer’s sa boyfriend niya.
Kilala ni JC ang boyfriend nito, tito ng tatlong batang
bumili sa shop nila ng mountain bike. Hiningi pa nga kahapon ang number niya. “Parang
gusto ko na rin kasing mag-biking,” sabi.
Alas-diyes siya nakarating sa kanila, at alas-onse na nang
makatulog. Nang maalimpungatan siya, bumungad sa kanya ang isang text message.
Hindi naka-phonebook sa kanya ang number—what
if svhin ko saung mahal kita?ppyag k bang maging tau?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento