Hindi mo mapapansin
ang kanyang tinig
kung maraming kasama
‘pagkat tatabunan lang ito ng inyong mga
kuwento
halakhak, kulitan.
Ngunit kung nag-iisa
kung siya lang ang kasama
gaya ngayon, mapapansing
mayroon siyang tinig
pakinggan pang mabuti
hindi pala tinig, kundi himig
awit
na maaring diyan nanggagaling
sa iyong dibdib.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento