Hindi
ko man sila mabigyan lahat
ng
palima-limang piso o sampu
madalas
mang mag-uumpisa pa lang sila
humihiyaw
na ako ng “Tawad!”
kailan
man, hindi ko sila itinuring na istorbo
hindi
nasigawan o natawag na “damuho.”
At
bakit nga gagawin ang mga ‘yon?
Mga
musmos lang naman silang nangangarap
naniniwalang
malaking halaga na
ang
singkuwenta pesos na paghahati-hatian.
Hindi
rin nila kasalanang
nang
dahil sa kanila, nababalik tayo
sa
mga Pasko sa ating kamusmusan
mga
Paskong anong saya
at
hinding-hindi na mababalikan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento