Sabi
ng isang kaklase,
“Gaya
ng tao ang mga bituin.”
May buhay rin ang mga bituin
at higit na nakikita ang kanilang ningning
kung napakakapal ng dilim
at dahil may buhay sila, humihinga
tumatanda rin sila, hanggang sa mamatay
at ang saglit na yaon
ang pinakamaliwanag nilang saglit.
May
nagtanong na isang kaklase,
“Talaga
nga bang gaya ng tao ang mga bituin?”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento