Matapos ang dalawang oras na pagpapahirap, binuhusan
ng Apache at ng dalawa pang pulis ng isang baldeng tubig ang bilanggo para
gisingin ito, saka sinabing: “Inutusan kami ni Colonel na sabihin sa‘yong
binibigyan ka ng pagkakataong iligtas ang sarili mo. Kung mahuhulaan mo kung
sino sa amin ang may isang kristal na mata, hindi ka na pahihirapan.”
Pagkatapos magpalipat-lipat ng tingin sa mga mukha ng mga magpaparusa sa kanya,
itinuro ng bilanggo ang isa sa kanila. “S’ya. Kristal ang kanang mata n’ya.”
At sinabi ng namanghang pulis,
“Ligtas ka na! Ngunit pa’no mo nahulaan? Nagkamali’ng lahat ng kasama mo dahil
ang mata ay pang-Amerikano, kaya napakahirap n’on.” “Napakasimple,” sabi ng
bilanggo, nararamdamang hihimatayin na naman siya, “’yon ang kaisa-isang matang
tumingin sa akin nang walang muhi.”
Siyempre, ipinagpatuloy pa rin nila
ang pagpapahirap sa kanya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento