Pagkasara ni Ma’am Vita sa locker niya, umupo agad siya
sa puwesto niya sa kabisera ng mesa sa faculty room. Nagdasal siya.
Tatlong dekada nang nagtuturo si
Ma’am Vita, tapos na ng doctorate degree in educational management, at head ng Department
of Home Economics.
Nakasalubong niya sa hagdan ang
student teacher ni Ma’am Antonio, may dalang chalk box, class record at mga
index card.
“Good morning, Ma’am,” maganda ang
ngiti nito, pang-Lunes na pang-Lunes.
Naalaala niya noong nag-o-OJT pa siya,
ang gabi-gabi niyang dasal at tuwing umagang papasok sa eskuwela, sana,
magkaroon na siya ng maraming karanasan, nang hindi na siya kinakabahan.
Marami na siyang karanasan ngayon,
at ang dasal na niya, sana, sipagin siyang magturo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento